Isasama ko yung 2nd kasi mas masaya yung 2nd kaysa sa 1st. Hehe
1st day.
Muntik na ko maLate. Syempre first time ko magcommute ng napaka-aga at di ko pa alam kung matatraffic ba ko o hindi sa mga oras na yon. Pero buti nalang di ganon katraffic at kasama ko si baby sa byahe sa 1st day ko. Hihi. Saktong 7:30am ako nakarating sa school. Tapos mga 10am lang naman dumating yung prof. Eh 10:30am end na ng subject namin. Waw lang. Sa likod nga pala ako umupo at may friends agad ako. Friendly eh lol
Ang problema lang, mali ako ng kinaibigan. Basta, iba sila eh. Sa likod kasi ako umupo. Tapos yun. Medyo di ko sila trip lalo na pag ‘humor’ thing. Basta iba. Hay. Ang good thing lang talaga walang nagpa-introduction na prof nung 1st day. YES
Umuwi ako ng malakas ang ulan pero buti nalang di ako nastranded sa kung san o lumusong sa baha, safe ako nakauwi. Pagkadating ko bagsak ako sa kama. Ang boring ng 1st day ko di ba?
2nd day.
Eto medyo masaya na. Nakakapunyeta lang kasi 7am classes ko every Friday. Wth. 1 hour and 30 minutes pa man din byahe ko. Pero pagdating, wala pa palang prof. Tengene.
This time, may introduction na. NSTP 1st subject namin. Isa isang nagpakilala. Sabi ng prof namin kailangan daw sabihin mo yung personality mo, weakness and strengths mo. Naintroduce ko naman ng maayos yung sarili ko kahit parang sasabog na ko sa nerbyos at kaba. Nerbyosa eh. lol, naturally talaga akong ganon. Kumbaga phobia ko yung magsalita sa harap ng maraming tao.
Sa pagkakaintroduce ko naman, sinabi ko pangalan, edad, kung san ako nakatira, at kung saan ako grumaduate. Sinabi ko rin na friendly ako, approachable, napakabipolar kong tao, at independent masyado. Basta. Medyo nahirapan akong iexpress sarili ko. Pero siguro enough na yon. Baka masyadong maging ‘too much info’ eh.
Next subject naman ay PE. Nagpakilala na naman. Pero mula pangalan hanggang school na grumaduate lang pagpapakilala. Tapos comment sakin nung prof, “ang cute cute mo!” WTF? Poker face ako eh. Ngiting ewan. Pakiramdam ko tuloy para akong batang ewan basta.HAHAHAHAHA.
Pagka-end ng subject, vacant na ulit! Deretso akong Puregold QI para maglunch kasama siya. Tapos nameet ko mga classmates niya at napakain na naman ako dahil ang hirap tumanggi. Bale dalawang beses akong naglunch. Huhuhu
Almost 1 bumalik na ko ng school at hingal na hingal pa ko pagkadating ko. Pero tangina, di kami pinasukan nung prof namin eh. Leche lang eh no. Tapos nakachickahan ko yung tatlong Tourism student sa labas ng room. Parehas lang kasi sched ng Tourism at HRM sa school namin so parang magiging kaklase ko na rin sila buong sem. Ang saya nila kausap. Laughtrip mula school building hanggang pagpunta naming UDMC. Hahahahaha. Basta ang saya nila kasama.
Nagbus ako pauwi dahil may mga kasama naman ako magbus, at nakarating ng matiwasay sa bahay. Nakakapagod lang talaga bumyahe. Sobrang nahilo lang talaga ako sa bus. Huhu.
Ang saya lang talaga ng 2nd day. Hihi
Nakakasama ng loob dito sa bahay. Magtatanong ako ng maayos, sasagot ng galit. Tapos ang daming sasabihin. Putangina lang yung ganon di ba? Anong mali sa pagtatanong?
Ang sarap lumayas sa bahay pag nandito sila. Hanggat kaya ko, di ko sila kinakausap. Di ko kakausapin hanggat di sila yung makikipag usap sakin. Hindi din ako nanghihingi ng tulong hanggat kaya ko, kahit na mahirap para sakin. Gusto ko maging independent na tao. Ayokong umasa sakanila dahil wala namang tutulong sakin kundi sarili ko.
Walang iba, kundi ako lang.
Pero kulang pa ba yon? Kulang pa ba ginagawa kong pagpupursige kahit minsan malapit na ko sumabog at umiyak dahil di ko na kinakaya ng ako lang? Putangina. Pakiramdam ko kulang mga ginagawa ko kaya ganto sila sakin.
Kaya gusto ko na magtapos eh. Tapos magtatrabaho na ko. Tapos lalayas dito sa bahay at tutuparin ko lahat ng plano ko sa buhay ng wala sila. Simula naman nung una, lagi silang wala. Wala akong naramdaman na ‘concern’ mula sakanila.
So yun, ako mag-aalaga sa sarili ko. Ako yung concern sarili ko. Ako lang.
Usual to the unusual. Hard to the hardest.
Paano na nga ba ako kapag wala kana?
Simple lang naman eh. Iiyak ako buong gabi, pero paggising ko, okay na ulit ako. I can be okay. Kinabukasan, lahat ng bagay, lahat ng galaw, pakiramdam ko… magiging unusual. May kulang. Pero susubukan kong punan yung ‘kulang’, at ipapalit ko sa pagiging focus sa sarili ko at sa mga kailangan kong gawin. Hahanap at hahanap ako ng paraan para aliwin sarili ko para naman hindi kita isipin o gumawa ng paraan para magpapansin sayo …At kung sakaling hindi na talaga pwede, pipigilan ko ang sarili ko na gawin yung mga bagay na may koneksyon sayo. Dahil sa bawat segundo na wala akong ginagawa, wala akong kausap, o mag-isa ako, ikaw at ikaw ang iisipin ko.
Ano na nga ba ako kapag wala kana?
Ako parin. Hindi magbabago. Dahil kahit kailan, wala akong pagsisisihan. Wala akong babaguhin sa sarili ko. Dahil masaya ako bilang ako. At dahil kung nagustuhan mo ako bilang ako, alam kong may ibang makakagawa nun, bukod sayo.
Sino na nga ba ako kapag wala kana?Ako yung taong hindi makakalimot sa lahat ng nangyari sa buhay ko na kasama ka. Yung taong minahal mo. Yung taong pinahalagahan ka at minahal ka ng sobra. Yung taong dati eh hindi mo kayang mawala sayo….
Kapag wala kana.
